Fil 11 Blog #6: Mga Litrato

Madonna Litta- Leonardo Da Vinci

Ipinapakita sa larawang ito ang depiksyon ng nanay at ng kanyang anak. Makikita sa litrato na binibigyan ng nanay ang kanyang anak ng gatas mula sa kanyang suso, o ang tinatawag na ‘breastfeeding’. Ang identidad/obligasyon/responsibilidad na ipinapakita dito ay ang pagiging tungkulin ng nanay na bigyan ng gatas ang kanyang anak at ang kanyang responsibilidad bilang nanay na alagaan ang kanyang anak. Ito ay replektibo ng tradisyonal na kaisipan na responsibilidad lamang ng babae (ang nanay) na ipalaki at ialaga ang kanyang anak, at hindi ang lalaki ang may pangunahing tungkulin na alagaan ang anak nito.

The Wedding- Johann Hamza 

Ipinapakita sa litrato ang isang tradisyonal na kasal, kung saan ang kinakasal ay may magkaibang kasarian. Simple lang ang nangyayari: ipinapakita lamang ng pintor na si Johann Hamza ang pagkatapos ng isang masasabing ‘tradisyonal’ na kasal. Ang uri ng identidad na ipinapusian sa mga tao sa litrato ay ang kaisipan na dapat ang kinakasal ay ang babae at lalaki lamang at hindi ang babae sa babae o ang lalaki sa lalaki. Replektibo ang litrato sa kaisipang tradisyonal dahil ipinapakita dito ang isang ‘heterosexual marriage’ na masasabing mas tinatanggap ng mga nakakatanda at ng mga taong konservatibo kaysa sa same-sex marriage na tinututulan ng maraming tao.

The Slaves on the Ship- Robert Riggs 

Ipinapakita sa litratong ito ang mga African-American na alipin sa panahon kung saan legal pa ang slavery sa Amerika. Ang nangyayari sa litrato ay ipinapakita ang mga alipin na nakasakay sa barko. Sila ay iniimpake lamang  sa kahit saang bahagi ng barko. Ang uri ng identidad na pinapusian sa mga tao sa litrato ay ang ideya na dahil sa kulay ng kanilang kutis sila ay maruruming tao na walang alam at sapat lang na gawing mga alipin ng mga mapuputing tao, ang mga Amerikano. Replektibo sa kaisipang tradisyonal ang litratong ito dahil ipinapakita dito ang isang kaisipang tradisyonal, na ang mga taong maiitim ay “walang kwenta” at dapat lang silang gawing mga alipin na maaring ituring na mga hayop lamang at hindi bigyan ng respeto bilang mga tao.

Fil 11 Blog #4: Ukol sa Dula

Marami akong masasabi ukol sa aking karanasan sa pagnuod ng mga dulang ‘Mga Santong Tao’ at ‘Ang Sistema ni Propesor Tuko’, ngunit hindi naman ata iyon yung paksa ng blog na ito. Hehehe. :”) whoops!. Anwayz (jeje ba o conyo?) ito ang masasabi ko sa mga dulang napanuod namin.

Una. Ang gwapo ng katabi ko! HEHEHE. Sorry, hindi maka-get over. Basta. Eto na 🙂

“Mga Santong Tao” 

Ang dulang ‘Mga Santong Tao’ ay isang uri ng tradisyonal na panitikan dahil…

Nauuna na dito ang tiyak na istruktura ng diyalogo. Tulad narin sa istruktura ng mga dula sa panahon ni Shakespeare, ang diyalogo sa dulang ito ay may tiyak na istruktura at may tugma pa, kaya naging medyo mahirap intindihin ang kwento sa unang bahagi ng dula. Kailangan talaga na makinig ng maayos ang manunuod upang mas maunawaan niya ang dulang ipinapanood.Pero kahit naman malalim ang pananalita ng mga tauhan, hindi magiging mahirap-hirap intindihin ng kabuoan ang dula kung nakikinig at hindi natutulog o nagkikipag-usap sa iba ang manunuod (buti nalang hindi ako ganoon!) Ang pangalawa at huli kong dahilan ay ang mga tampok na tauhan, na nagpakita ng isteryotipiko na sikat sa panahon ng Espanyol: ang malanding prayle, ang sakristan mayor at ang piskal. Ngunit ang naiiba ay ang bida ng dula na si Titay, na hindi naman tulad sa karaniwang mahinhin na dalaga na madaling naabuso ng mga prayle sa dating panahon.

“Ang Sistema ni Propesor Tuko”

Masasabi ko na isang halimbawa ng modernismong panitikan ang pangalawang dula dahil rin sa diyalogo nito. Naging mas madali magkaroon ng koneksyon ang manunuod sa dula hindi lang dahil nakakatawa ang pinagsasabi ng mga aktor sa entablado, dahil narin na madaling intindihin ang diyalogo dahil sa paggamit ng mga ‘pop culture references’ (i.e. Phillip Phillips, Charice Pempengco..). Tulad ng modernismong panitikan, malaya rin ang ayos ng diyalogo at wala itong tiyak na istruktura. Dahil dito, naging mas madaling intindihin ang pananalita sa dulang ito.

Ang pangalawang dahilan ay ang pagpakita ng realismo sa kwento. Hindi tulad ng unang dula na nagkaroon ng tusong bida na babae pa na medyo idealistiko ata, ipinakita ng ‘Ang Sistema ni Propesor Tuko’ ang realidad ng kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas sa kasalukuyang panahon. Ginamit ng direktor ang props, ang mga kasuotan ng aktor at ang buong entablado upang makatulong sa pagpakita sa manunuod ng isang accurate na litrato ng realidad ng edukasyon. Hindi lang siya gumamit ng kahit anong props upang ipakita ang kanyang nais ibahagi sa kanyang mga manunuod, at dahil dito mas naenhance ang dulang ipinapalabas sa entablado.

Fil 11 Blog #2: Ang Dilaw ay Hindi Nakakasilaw

Image

Wala lungss. Dream bedroom ko ganitong kulay. :”) 

Para sa akin, kadiri ang prutas. As in, lahat. Kahit na umiinom ako ng apple juice, grape juice, orange juice at kung ano pa mang juice na ginawa na sa mundong ito, hindi ko kayang kainin ang prutas kung saan ito nangaling.

Maliban nalang sa mangga.

Ang mangga ang iisang prutas na kinakain ko. As in, yun lang talaga. At hindi lang ako mahilig sa prutas, mahilig rin ako sa iba’t-ibang pagkain kung saan ginagamit ang mangga bilang pangunahing ingredient: mango shake, mango juice, mango ice cream, mango cake. Lahat nalang, basta mango. Kung kaya masasabi ko na sa halos 18 taon ko sa mundong ito, nakakain na ako ng halos ilang libo na ng mangga.

Ngunit…

Hindi ako sanay sa pagkain ng mangga na gamit ko lang ang kamay. Sorry na, medyo naspoil ako. Ang hilig ko kasi masugat gamit ang kutsilyo kung kaya parati akong hinihiwaan ng mangga kung gusto ko kumain, at hindi ako naghihiwa, at dahil dito nung nalaman kong kamay pala ang gagamitin sa pagkain ng mangga sa klase namin sa Filipino kahapon, medyo natakot ako at nadiri ako ng konti. Sticky naman kasi eh… :/

Buti nalang at nakain ko na ang mangga. Hindi ko gagamitin ang oras ko sa pagkwento ng pagkain ko ng mangga, dahil nga masyado na akong exsperto sa pagkain nito. Ngunit masasabi kong nagustuhan ko ang paghalintulad ng mangga doon sa panitikan, at masasabi kong hindi ko makakalimutan ang karanasan ng pagkain ng mangga gamit lang ang kamay ko.

Image

Kailangan lang natin gamitin ang ating ‘imahinasyon’ para hindi tayo matakot sa paggawa ng interpretasyon sa iba’t-ibang panitikan na tatalakayin sa Filipino. 

Pero…

Hindi yung pagkain ang napansin ko. Yung kulay ang napansin ko. Sinasabi sa aming diskusyon sa Filipino na ang dahilan ng pagiging malikhain at malalim ng panitikan ay dahil ito ay naging elitista para lang hindi mapatay ng scientia ang panitikan. Ngunit masasabi ko na tulad lang ng kulay dilaw, ang kulay ng mangga, narealize ko na kahit na elitista ang panitikan, hindi ibig sabihin na hindi ito naging bukas sa mga taong gustong gumawa ng sarili nilang interpretasyon sa panitikan. Ginamit ng mangga (at ng panitikan) ang maliwanag na kulay na ito para sabihin sa mga tao na ‘welcome kayong magbasa, ngunit hindi ito madali.’ Ang mambabasa na ang bahala kung babasa ba sila ng panitikan o hindi, dahil kahit gaano man kahirap unawain ang panitikan, hindi ito nakakasilaw to the point na nawawalan na ng gana ang taong basahin ito.

Image

Mula ngayon, ganito na ang tingin ko sa mga kwentong aaralin natin sa Filipino. Easy on the outside, harder on the inside. Maaliw ako sa kulay at hindi ko papansinin ng todo-todo kung gaano man kahirap ang content. Basta, sisikap akong maunawaan ito kasi hindi naman pinapahirap ng panitikan ng interpretasyon dahil ayaw nila na mabasa sila eh, diba? 🙂 

In other news…

Ginustuhan ko lang ang kanta nito dahil sa kulay. CHOS.

Image

Fil 11 Blog #1: Walang Kwenta

Ako’y nagsimula magsulat ng mga kwento nung ako ay siyam na taon pa lamang. Ito ay itinuturi ko na isa sa mga pinakaimportanteng bahagi ng aking buhay, dahil dito ko natuklasan ang isa sa pinakaminamahal kong ‘hobby’: ang pagsusulat ng kwento. Lumawak ang sakop ng aking mga sinusulat nung ako’y tumanda. Hindi lang kwento ang sinusulat ko noon: nasama narin ang mga tula, dula, lyriko at iba pa. Maraming taon ang lumipas na, at dumarating ang panahon na naituri ko nang paraan ng hanap buhay ang pagsusulat, at ito ang dahilan kung bakit napili ko ang aking kursong Kommunikasyon.

Ngunit masasabi kong hindi parin ako ‘magaling’, masasabi ko na ang halos sampung taong karanasan sa pagsusulat ay maari kong itaglay. Pero, medyo nawalan ako ng tiwala sa mga pinagsusulat ko pagkatapos ng diskusyon sa klaseng Filipino nung Huwebes. Bumago ang tingin ko sa mga pinagsusulat ko, at napaisip ako: may silbi pa ba ang mga ginagawa kong kwento? Kwento ba talaga sila? Nung sinabi ng propesor ko sa Filipino na dahil hindi nasasalamin sa mga panitikan na sinusulat ng mga kabataan tulad ko ang mga nasasabing katangian ng panitikan, masasabi kong nawala talaga ang tiwala ko sa mga sinusulat ko. Pero, nagkaroon rin ako ng bagong paningin sa araw-araw kong pagsusulat. Hindi lang ako nagsusulat ng mga iba’t-ibang mga pangungusap, nagiisip rin ako ng malalim kung may tunay na kwenta ba ang bawat pangugusap, ang bawat salita. At dahil dito, labis akong nagpapasalamat na naging paksa sa aming diskusyon ang panitikan. Nagkaroon ako ng nakabagong tingin sa panitikan, at mas binigyan ko ng halaga ang pagsusulat.